Unang Wika (L1) ang tawag sa wikang kinagisnan mula sa pagsilang at unang itinuro sa isang tao.
Tinatawag din itong katutubong wika, mother tongue, at arterial na wika. Sa wikang ito pinakamatatas o pinakamahusay na naipahahayag ng tao ang kanyang mga ideya, kaisipan, at damdamin.