top of page

Tagalog, Pilipino, o Filipino?

Wikang Tagalog

​

lsang wikang natural, may sariling mga katutubong tagapagsalitng. lsang partikular na wika na sinasalita ng isa sa mga etnolinggwistikong grupo sa bansa ang mga tagalog.

​

Wikang Tagalog bilang Wikang Pambansa

​

Nasangkot ang tagalog sa pambansang arena nang ideklara ni Presidente Manuel L. Quezon ang Wikang Pambansa na batay sa Tagalog noong Disyembre 30, 1937 (Executive Order No. 134).

​

‌Ang wikang Filipino ay ang Filipino National Language (noong 1943) na batay sa Tagalog mula noong 1959, nang ipasa ang Department Order No. 7 ng noo'y Sec. Jose Romero, ng Department of Education.

Ito ang itinatawag sa wikang opisyal, wikang pampagtuturo at asignatura sa Wikang Pambansa mula 1959. nahinto lamang ito nang pagtibayin ang Filipino bilang wikang pambansa. Filipino naman ang itinatawag sa wikang pambansa sa Konstitusyon ng 1987.

​

Pagkakaiba ng Pilipino sa Filipino

​

Magkaiba ang Filipino at Pilipino kahit parehong naging Wikang Pambansa ang mga ito dahil magkaiba ng konsepto ang mga ito - ang Pilipino ay batay sa iisang wika at ang Filipino ay sa maraming wika sa Pilipinas, kasama na ang Ingles at Kastila.

​

Tagalog Imperialism

​

Nakondisyon na ang mga tao sa Tagalog kung kaya't kahit nabago na ang tawag sa Wikang Pambansa(Pilipino, Filipino), Tagalog parin ang itinatawag dito ng mga Pilipino at mga dayuhan. Tinawag ito ni Prof. Leopoldo Yabes na "Tagalog Imperialism"

​

Miskonsepsyon sa Filipino

​

 Ang tawag na Filipino sa wikang pambansa ay hindi mula sa Filipino na tawag sa Ingles, para sa mamayan ng bansa. Hindi rin mula sa Ingles ang F dito.

Mula ang Filipino sa binagong konsepto ng wikang pambansa na batay sa lahat ng wika sa Pilipinas, kasama ang Ingles at Kastila.

Ang paggamit ng F ay simbolo ng hindi na pagiging Tagalog fang na batayan ng wikang pambansa dahil walang ganitong tunog ang Tagalog.

​

​

Ubod ng Konseptong Filipino

​

Ang pinakaubod ng konsepto ng Filipino bilang batay sa mga wika ng Pilipinas ay ang pagiging pambansang lingua franca nito.

Dagdag Kaalaman

whitepngpng.png

KINAADMAN © 2019

a performance task in empowerment technologies

Have suggestions on how to improve our site?

Let us know.

  • Facebook
  • Twitter
  • Instagram
bottom of page